Nakakatuwa naman talaga ang tagal tagal na ng patalastas ng NESCAFE pero kahapon ko lang naisip ang tanong nila na: IKAW, PARA KANINO KA BUMABANGON?
Lahat ng tao may kanya kanyang dahilan kung bakit sila bumabangon, at ito ang akin:
BUMABANGON AKO PARA SA:
- bagong araw na kahaharapin ko, kahit hindi ako sigurado kung ano ang pagdadaanan ko sa panibagong araw, kahit na natatakot ako sa mga bagong pagsubok gusto ko parin bumangon para sa mga bagong turo na makakapagpatibay sa aking pagkatao.
-pamilya ko na walang hinangad kundi ang mga nakakabuti sa akin, sila ang inspirasyon ko kaya kahit anong hirap man ang pinagdadaanan ko nakakatayo parin ako ng tuwid at nakakalakad dahil alam kong may umaalalay sa akin at may magsasabing: TAMA NA MUNA, MAGPAHINGA KA AT MUKHANG PAGOD KA NA... :D
-minamahal ko na syang sumasalo sa lahat ng galit, angal at hinagpis ko, kapag di ko na kaya ang mga sinasarili kong problema kapag gusto kong umiyak nalang ng umiyak, hindi ako nahihiyang ipakita sa kanya kung ano ang nararamdaman ko, kahit na sa gitna pa ng madaming tao dahil kapag kami lang ang magkasama wala akong ibang nakikita kundi siya lamang at kung paano niya pinapagaan ang loob ko.
-mga kaibigan ko na kahit ang tagal tagal na naming hindi nagkikita at nagkakausap ng personal matiyaga parin akong naghihintay kung anu na ang mga bago sa kanila, buti nalang at ang dami nang paraan para makamusta sila kahit hindi na kayo nagkikita.
-mga kasama ko sa trabaho na kahit iba iba man ang ugali namin at minsan ay nagkakasagutan masaya parin ako na isa sila sa mga rason kung anu man ako ngayon bilang tao, unti unti kong naiintindihan ang ibig sabihin ng responsibilidad at pagiging mapagkumbaba.
-mga problema ko na gusto kong mabigyan ng solusyon pero habang tumatagal naiintindihan ko na kahit di man ma solve agad agad ang problema may mga dahilan at may mga panibagong leksyon kang matututunan na humuhubog sa karakter mo bilang isang tao, dahil dito sa mga problemang to unti unti akong tumitibay at lumalakas.
-mga pasyente namin sa ospital na siyang nagtuturo sa akin paano maging pasensyosa, hindi man sila ang una kong dahilan kung bakit kumuha ako ng kursong nursing (kinuha ko to para sa pansariling dahilan.. :D) sila naman ang nag pa realize sa akin kung gaano nila kailangan ang tulong ng isang nars na katulad ko lalo na sa panahon na sila ay nasa malubhang kalagayan, dahil sa kanila natutunan kong magmalasakit kahit na hindi ko sila lubusang kilala.
-PANGINOONG DIYOS, na siyang nagbigay ng buhay sa akin, na siyang patuloy na gumagabay at umaalis sa lahat ng takot ko, at patuloy na nagbibigay sa akin ng panibagong araw para matama kung ang mga mali ko sa mga nakaraang araw at para sa mga bagong pagsubok na pagdaraanan ko na siyang magpapatibay kung ano ako bilang tao, bumabangon ako para humingi ng pasasalamat sa lahat ng binibigay niya sakin na grasya at humingi na rin ng tawad sa lahat ng pagkakamali ko kasama na ang pangakong itatama ko lahat ng kailangan kong itama.
-at ang panghuli, gumigising ako para sa SARILI KO, para sa mga PANGARAP KO, para sa mga PAGSUBOK, PROBLEMA, mga BAGONG TAO na makakasalamuha ko, para sa PANIBAGONG ARAW kung saan pwede akong magkaroon ng PANIBAGONG SIMULA na kasama ko ang mga dahilan kung bakit ako BUMABANGON.
Eto ang mga samut-saring dahilan kung bakit ako bumabangon sa umaga... Ikaw???? BUMABANGON KA PARA SA?? :D Magandang Araw sa LAHAT..... :D

No comments:
Post a Comment