ALL ME!!!

I Welcome you to my BLOG..
this blog is full of my thoughts and my dreams, I am not expecting you to read this one, my page is full of nonsense but it is really important to me because through this I can truly express who I really am... This may be nothing to you but it means anything to me... If you happen to read my blog feel free to post any comment... Negative or positive I can take all of that... just be REAL... :D

Thursday, December 15, 2011

12 HOURS LANG PO!!

12 hours: referring to our shift in the HOSPITAL..


kung AM ka: 7 am - 7 pm


kung PM ka: 7 pm - 7 am


pero siyempre bilang 1 tao makaka feel ka rin naman ng K!!! K as in katamaran, kapaguran at konsensya..


ganito ha: kapag AM shift ako, usually maaga akong matutulog as in 9 pm palang tulog na ang lola mo, siyempre kailangan kong magising ng maaga, at para magawa ko yun dahil sanay na nga sa mahabaang tulog ehh nagpapa alarm na lang ako.. as in ALARM na may SNOOZE every 5 minutes para gising na ang beauty ko by 5:00 AM.. pero siyempre di ko yun masusunod... pagpatak ng 5 AM siyempre uber confident ka na may snooze.. e di babalik ka ng tulog, ang CP ko hahayaan kong tumunog ng tumunog kasi nga kahit anung aga ko matulog TINATAMAD ako magisng ng sobrang aga dahil malamig at masarap lang talagang matulog, so kahit anong alarm ng CP ko dahil tamad na tamad ako di ko yan papansinin dahil PAGOD akong pumansin, so tulog... tulog...tulog, pag napansin ko na medyo maliwanag na siyempre titingnan ko ang oras pag pumatak na ng 6 AM (minsan nga 6:30 AM pa ehh) sisisihin ko na ang sarili ko dahil TATAMAD TAMAD, diyan na papasok si KONSENSYA- ayan kasi ee, late na tuloy!!! hahaha, pagdating mo pah ng OSPITAL di ka pa makaka time-in agad agad, laging greeting sayo: PLEASE TRY AGAIN ansavehh??? tapos siyempre bilang nakakahiya naman sa mga kasama, di ka na makaka ayos ng sarili mo pagdating sa station, ire receive mo na agad ang endorsement,  diyahe naman kung lalamya lamya ka.... hahaha!!
sa 1 shift pa ang dami mong aasikasuhin, mga pasyente mo, mga uber kulit na watchers na kung hindi magpapasign ng CLEARANCE, Pafifill upan ka ng PHILHEALTH kung di naman, hahanapin sayo yung MEDICAL ABSTRACT na sa kung anong rason di mo talaga mahanap hanap, may phone pa na walang tigil sa kaka ring at endless ADMISSIONS, siyempre di mawawala ang pag eentertain mo sa mga AP at sa pagsagot mo sa mga tanong nila.... siyempre di pa kasama diyan ang CR BREAK/ LUNCH BREAK/MERIENDA BREAK/WATER BREAK at kung anu anu pang BREAK, sadyang pagkakasyahin mo yan lahat sa loob ng 1 shift mo, siyempre di mawawala ang endorsement na kahit anung excite mo, di mo magawang bilisan as in NICE AND SLOW dapat mag endorse para ma grasp ng next shift ang gusto mong iparating!! so siyempre dahil sobrang busy ka talagang ang out mo past 7 na,.... So tell me: 12 hours ba yan???

kapag PM shift ako, usually napaka aga ko at di ko alam bakit, siguro kasi baliktad ang mundo ko... hahaha or sadyang maka PM shift lang talaga ako!!! di naman dahil sobrang tahimik lang sa PM minsan nga dito ka pa mag foforwardan ng TOXIC pa sa mga TOXIC mo na patients e, pero siguro dahil malamig ang paligid mo kaya mas trip ko mag PM, tapos la ka pa masyadaong gagawin, pwede ka pa matulog sa station hahahaha!!! ^^ pero di ka pa rin makakakapag exactly 12 hours dito siyempre dahil kahit gaano katahimik pag GABI kukulitin at kukulitin ka parin ng mga pasyente at watchers nila, pero sabagay di naman ako nagtatrabaho sa hospital para magbakasyon ee, in life kailangan talaga mag SACRIFICE!!! 



SA WORK KO NA TO dapat everything's perfect!! pero siyempre kahit cliche sasabihin ko parin na: NOBODY'S PERFECT, kahit anung gawin mo magkakamali ka talaga, pero at least yung pagkakamali mo magagamit mo as lesson para di ka na magkamali ulit... so balewala na kung di man masunod ang 12 hours, balewala na kung uber late na makauwi sa bahay ang importante yung satisfaction mo pagkatapos!! sa linya ng trabaho ko di ko na hinahangad na matapos sa tamang oras, hinahangad ko lang na sana di ako magkamali ng grabe at sobra- sobra.... 


12 HOURS LANG PO AKO..... PERO MASAYA MAG EXTEND!!!!! SALUDO PO AKO SA MGA KAPWA KO NURSE, MABUHAY TAYO....=)